I was due on October 9, 2017 but I gave birth September 17, 2017 (3 weeks earlier)
So anyare?
September 15, 2017. Friday.
Regular check up with my OB Dra. Binky Santos.
Regular check up with my OB Dra. Binky Santos.
Nag ultrasound kami, sabi nya nag lalabor na daw ako, pero ako, wala ako nararamdaman na kahit anong pain. Nag i.e kami, 5 cm na daw. She asked me kung pumutok na ba yung bag of water ko, ako clueless, sabi ko hindi pa, kasi wala pa talaga. I'm expecting it kasi like sa mg palabas sa tv at movies.. So, I didn't really know, ang alam ko hindi pa talaga. E based sa count nya, kulang pa ako ng ilang days para sa 37 weeks, until tuesday pa. Sana daw umabot ng tuesday para hindi kulang sa araw si baby.
After nyan, binigyan nya na ako ng Admitting Instruction Form, kasi mag pa admit na daw ako kasi nag lalabor na nga daw ako. I asked her na kung pwede umuwi muna ako at intayin ko muna na pumutok yung panubigan ko or may sumakit na bago ako mag pa admit, kasi gusto ko nga umabot ng tuesday para di kulang sa days si baby. Pumayag naman si Doctora.
So umuwi kami. Sinabi ko sa mommy ko na nag lalabor na daw ako pero wala naman nasakit so intay intay lang muna tayo dito sa bahay. Tinawag na ng asawa ko yung mother nya para pumunta sa amin kasi anytime pwede na ako manganak, support group din namin sila.
Ayos na yung mga gamit ni baby, pero yung gamit ko hindi pa.. Friday ngayon so pinalabhan ko sa labandera namin lahat ng gagamitin ko sa ospital kasi hindi ko naman alam na ito na pala, 3 weeks pa eh. Inayos namin mga gamit ko, nag dryer at nagplantsa. Inilagay na sa bag lahat ng kailangan including documents at inilagay na rin agad sa kotse.
So, Friday night.. Wala naman sumakit. Nakatulog pa ako ng ayos.
September 16, 2017. Saturday.
Dumating na yung mother-in-law ko. Tinanong ako kung may nasakit ba sa akin, sabi ko wala. Yung panubigan ko, alam ko hindi pa naputok. So kalma lang kami.
Saturday night. Nakatulog naman ako ng ayos.
Then came Sunday, September 17, 2017.
Pag gising ko, umihi ako, may spotting ako... Naligo na ako ng deretso at nagpunta na agad kami ng ospital. Tinext ko yung OB ko na nagpa admit na ako.
Nag selfie after magpalit ng Hospital Gown
10:00 am iniakyat na ako sa Labor Room. No pain at all. Nag inject na sila ng pampahilab. Wala pa din pain. Sabi nga nung nurse sa akin "Hi Mam, ngayon nakaka ngiti ka pa, ewan ko lang maya maya". May nag monitor na sa amin na machine ni baby. Once daw may contraction, i press ko lang yung button, hindi ko alam kelan ko ipress kasi wala akong contraction or pain na nararamdaman at all.
10:30 am na, nag i.e ulit, 6 cm pa rin daw at wala pa din ako pain nararamdaman kahit 2x or 3x na sila nag inject ng gamot.
11:00 am dumating yung OB ko, nag i.e kami, 6 cm na nga daw pero parang ang lalim pa daw. Dinala na ko sa Delivery Room at puputukin na daw panubigan ko. I feel no pain. As in kaya ko pa naman tumayo at maglakad, pero dahil nasa ospital ako, careful ang kilos at bawal na maglakad, nasa bed lang at may nag assist na paglilipat ng bed.
Nakapwesto for Normal Delivery, pero nung ipuputok na ng OB ko yung bag of water, wala na.. Blood na daw yung lumbas. So wala na tubig, ma dehydrate na si baby. At based sa monitor na nakakabit sa amin, bumabagsak ang heartbeat ni baby every time na may contraction na hindi ko nararamdaman. Manhid ba ako o mataas ba talaga tolerance ko sa pain.
Nag alala pa nga ako sa mga kasama ko, pinasabihan ko sa nurse na kumain na muna sila ng lunch kasi mukhang matagal pa ako dito sa lood. hahaha
11:30 am kinausap na ako ng OB regarding sa lagay namin ni baby. Kailangan ko na daw ma Emergency CS kasi dehydrated na si baby at ilang oras nalang baka makakain na sya ng dumi sa loob. Lumabas yung OB para kausapin yung asawa ko at yung 2 nanay namin about sa sitwasyon ko. Pumasok yung asawa ko sa Delivery Room, ang sabi lang nya "Byloves, i cesarean ka daw?" sagot ko, "oo nga daw, wala na pala tubig". Ako relax lang ako, hindi ako kinabahan, ninerbyos o natakot. Pero yung asawa ko alam ko ninenerbyos na yun nilalakasan lang nya loob nya. After namin mag usap, dinala na ko sa Operating Room. Nag skin test. Nag epidural. At ayun na cesarean na.
Gising na gising ako the whole time, pero manhid lang yung katawan ko. Pero lahat alam ko, every count nila ng mga gamit rinig ko. Bukas na bukas yung isip ko. Habang nag oopera yung OB ko, nag uusap kami ng Anesthesiology. Nung hinwa na, at inilabas na si baby alam na alam ko. Sinabi pa nung OB ko na "It's a boy. Picture picture." bago nila inilapit sa akin yung baby na umiiyak pero ang linis linis... wala masyadong dugo yung katawan at namumuti na parang kamay na nababad sa tubig,
12:10 pm ng lumabas si baby Marco Sebastian. After ng operation, nag paalam na yung OB ko at yung Anesthesiology, nakapag "Thank you Doc" pa nga ako kasi as in gising talaga ko... Nilinisan ana ako ng mga nurse.
1:30 pm siguro nung dinala na ako sa recovery room. Nakahiga lang, nakamonitor yung BP at body temperature. Gising na gising din ako nito. 2 hours ako dito kasi inintay na bumalik sa normal ang BP at body temp bago ka dalhin sa room mo.
3:30 pm inilabas na ako sa recovery room, sina mommy naka abang sa labas, nakaupo. Lumabas na ako, nakaupo pa din sila, ako pa yung sumigaw na "Mommy ako na to" saka lang sila tumayo.
After pala ng operation, hindi ka makakatayo, makakagalaw, steady ka lang, bawal din mag salita at bawal ang unan sa pag higa, as in flat ka lang.. No food and drinks kahit tubig bawal pa... Inilipat ako sa kama na binuhat ng 2 goons hahaha.
Kasama na rin namin si Baby sa room.
Mga 9:30pm na siguro ako nakapag unan.
Mga 1:00 am pa ako nakainom ng tubig.
September 18, 2017 Monday. Nakakain na ako pero light foods pa lang.
Nag try ako mag breastfeed pero wala lumalabas na milk. Kawawa si baby, water with sugar lang muna binigay nila kasi di daw allowed mag bottle feeding sa ospital.
3:00pm dumating yung OB ko to cleans the wound. Sya na rin tumawag sa Pedia ni baby na resetahan na kami ng formula milk kasi wala ako breast milk.
September 19, 2017 Pwede na daw kami umuwi ngayon, Inalis na din yung catheter ko. So nakapag hugas na ako at nakapagpalit na ng maternity napkins kasi sobrang init at kati ng adult diapers. Nag lakad lakad na din ako sa lobby para lumakas katawan ko na parang na bed ridden ka ng ilang buwan.
4:30 pm. Finally nakauwi na kami ni Baby sa bahay...
No comments:
Post a Comment