Monday, June 19, 2017

How I wish!

Well, as I said on my previous blog entry that we are currently on a financial difficulty the past few months... I will now claim that this coming days we will be financially able again. In Jesus name. We can pay all our bills and debts. We will have enough money for my pregnancy and delivery of the baby. We are able to buy the things we want our baby to have. We can financially able to renovate our house for the coming of the baby. My mom can buy her maintenance medicines. We can buy the things we really need and want. We can have a maternity shoot this September. We can prepare for the baby's christening on my mom's birthday in November. We can now donate to charities and churches to give back the blessings we receive. I know this will happen sooner or later. I believe that God will send us miracles. In Jesus name. Amen. Thank you Lord.

Monday, June 12, 2017

Financially disabled.

Nung mga nakaraan buwan, medyo nahaharap kami sa financial problems...
Parang walang swerte yung pera sa amin ngayon.
Nagigipit kami at wala kami maibayad sa mga dapat namin bayaran.

Naubos na yung fund ng bank account ko para pambayad sa kotse namin monthly na 10,000.00

Hindi na rin ako nakabayad sa Credit Card.

Hindi namin mapa maintenance yung kotse kasi walang budget.

Hindi namin naloloadan yung rfid ng kotse.

500.00 lang kami kung magpagas lagi, di na makafull tank.

Hindi nakakabili ng gamot si mommy.

Hindi na sya nakakabili ng Diabetasol.

Hindi kami makapag grocery.

Hindi na rin kami nakakakain sa labas.

Hindi na kami nakakabili ng mga pangangailangan namin.

Hindi kami nakabayad sa housing loan namin.

Nakapagsangla na kami ng alahas, kulang pa din, wala pa din.

Medyo mahina yung kita ng tindahan at minsan wala na kami pamalengke.

Nakautang din kami sa 5-6, kaya gipit na gipit din talaga kami.

Sana po Lord matapos na po ito.

Maging finacially able na sana ulit kami at mabayaran na naman yung mga kailangan namin bayaran.

Lumakas na po sana ang kita ng tindahan.

Magakapuhunan na po sana kami ulit.

Makabili na sana kami ng mga pangangailangan namin.

Bless us Oh Lord!

We're praying thay you will bless us financially.

But still, we're thankful na hindi po kami nagkakasakit at wala nangyayari na masama sa amin.

Thank you Lord!

Sunday, June 4, 2017

Furniture for the Dream House!

We're not rich.
We just have enough money to survive our everyday life.
We're just lucky to be able to buy the foods we wanted to eat.
We're living in a simple home.

And I always dream to have this beautiful home furniture in the future.


Since we had a small home, I consider to have this dinner set with couch chair.
Instant 2 in 1. We can use this as a dinning set or a living room set.
[Our Home - P41,950.00]

 
 or this 6-seater dining set
[Mandaue Foam -  P32,400.00]


I really love to have this glass display cabinet.
We can place here the toy car collection from Petron Station of my hubby.
[Mandaue Foam -  P19,000.00]

I dream to have this bed in Queen Size.
For comfortable sleeping.
Top photo is for us. Below photo is for Mom.
[Our Home - P24,950.00 each] 

I also want to have this dresser.
Big enough for all our clothes.
One for us, one for Mom.
[Mandaue Foam - P13,500.00]

I also want to have side table for lamp and to place our phones and 
Mom's glasses before we slip.
Top photo is for us. Below photo is for Mom.
[top: Mandaue Foam - P2,900.00]
[below: Our Home - P3,995.00] 

I also want to have this in our room.
We seat here while taking care of our future baby or
 if we just want to just sit and relax. 
[Blims Furniture - P14,498.00]

 or this one. I love the color.
[Our Home - P12,950.00]
 
 I want to have this sofa bed in my Mom's room.
It will serve as a sofa if just want to hangout in her room.
It will serve as a bed when we have house guest, like my mother-in-law
 when she visit her grand child.
 [Our Home - P29,950.00]

Or this one with wooden frame.
[Blims Furniture - P37,998.00]

And lastly, I want to have this white chest drawer cabinet, for our baby.
We can put her clothes and other belonging in here.
Plus we can use the top to place her Sterilizer, Feeding bottle, milk formula and others.
[Our Home - P12,950.00]


I hope someday, in God's will and perfect timing. I can post a photo of our home with all of this, my dream furniture. So let's pray that God will continue to bless me and my family for us to be able to make our dreams come true.

Libre ang mangarap

Simple lang naman yung pangarap ko para sa pamilya ko.


May bahay na kami ngayon, kung nasaan din yung tindahan namin. Maliit lang sya, tabing kalsada. Pero kasi hindi talaga sa amin yun, rights lang yung meron kami. Government lot sya at may permit lang kami galing sa Barangay na kami yung pinapayagan na magtayo dun ng tindahan/bahay. Siguro nasa 25 years na din kami dito, kasi sa naalala ko, grade 1 palang ako dito na talaga kami nakatira. Malaki na rin ang naitulong ng tindahan namin sa amin. Nakapagtapos ako ng college, nakabili kami ng bahay (1 year nalang tapos na bayaran sa Pag-ibig) at nakabili na rin kami ng kotse (2 years pa namin babayaran), so meaning swerte talaga ito sa amin.

Pangarap ko sana na mapaayos yung tindahan, mapasemento, mapatiles yung sahig, maayos ang bubong at maayos yung kusina kung saan niluluto namin yung mga tinitinda namin pag kain. Maayos ayos naman sya, kaya lang kasi inaanay na yung kisame at yung mga pader na kahoy. So pangarap ko talaga na mapaayos yung buong tindahan, para mas presentable sa costumers at maayos yung makainan nila.

Andun na rin sa tindahan yung kwarto namin tulugan. Pangarap ko din kasi mapaayos yung para mas komportable kami makakatulog at hindi na kami mag alala pag umuulan or may bagyo na baka anytime masira sya kasi nga inaanay narin.

Yung mapaayos ko yung tinitirhan namin ngayon, sapat na yun sa akin. Basta maayos lang yung ginagalawan namin. Para na rin kay Mommy kasi tumatanda na sya at gusto ko sana na maranasan naman nya ang maganda bahay bago man lang sya mawala dito sa mundo at para na rin sa mga magiging anak namin ng asawa ko.

Yung bahay na nabili namin, nasa isa syang subdivision dito sa lugar namin. Row house sya. Medyo luma na din yung bahay at pangarap din namin mapaayos yun at maging dalawang butas na apartment, up and down naman sya kaya pwede na isa sa taas at isa sa baba. Para dagdag income din.
Ipapaayos din namin yung bodega namin dito at yung garahe namin.

Yung bodega, gusto ko sana sya mapasemento yung sahig at yung gilid nya may hallow block lang yung baba para di mapasok ng tubig tapos yung pataas bakal at yero na para iwas anay din. Madami kasi anay dito. Tapos pagagawan ko sya ng parang bakal din na patungan at bibili kami ng mga plastic container na malaki para dun namin ilagay yung ibang mga gamit sa bahay na hindi na ginagamit para di din sya madumihan at mabasa kung sa ordinary na karton lang namin ilalagay.

Yung sa garahe naman ng kotse, pa brick din namin yung sahig or tiles, tapos yung gilid bakal nalang din. Balak din namin pagawan dun ng banyo. Para pag nahugas ng kotse ang asawa ko, maayos na yung paliguan nya.

Ayan yung una kong pangarap na sana dumating yung araw na matupad namin yan.
Pero kung bibiyayaan kami ng sobra sobra ng Diyos. Marami pa akong pangarap.

Una, makabili ng lote at makapag pagawa ng apartment. Mga 10 unit ng apartment. Para sure income na namin monthly kahit matanda na kami at hindi na makapaghanapbuhay, may pangkain pa rin kami.

Pangalawa, pangarap ko na makapagpagawa din ng bahay. Yung isang floor lang pero malawak yung loob at may malawak na garden. Mahilig kasi si Mommy sa halaman. Magtanim tanim. Yung bahay, ayoko ng may taas kasi pag tanda pa ni mommy baka di na sya makaakyat, mahirapan sya. Ayoko naman na sa ibaba sya tutulog tapos kami sa taas. Ayoko nung hindi ko sya ramdam, na baka may nangyari na sa kanya hindi pa namin alam. Mga 3 kwarto yung gusto ko, isa kay mommy, isa amin ng asawa ko at yung isa sa anak namin. Yung garden naman, gusto ko may bermuda grass sya, pero may sementong part din, para pwede maglaro dun yung mga bata, mag bonding kaming pamilya, mag picnic lang sa garden. Bibili din ako ng inflatable na swimming pool para pag summer my pool yung mga bata at feeling bata.  Gusto ko rin kasi na malawak yung garden sa likod ng bahay, na may daan sya na hindi na kailangan pumasok sa loob ng bahay. Yung pag pasok sa gate, sa garahe yung daan. Para pag may okasyon, like birthday or anniversary pwede na dun kami mag handa. Bibili nalang kami ng mono block chairs at folded na table para pwedeng itabi pag hindi pa gagamitin.

Pangatlo, balak ko bumili pa ng isang lote dun sa sementeryo namin. Alam naman natin kasi na dun naman lahat papunta kaya isa yun sa pangarap ko, para hindi na iisipin ng magiging anak namin kung saan kami dadalhin pag nawala na kami, kasama pa namin dun si Papa. Museleo sana kaya lang masyado mahal na siguro yun. Dalawang lote ang balak ko, isa dun sa tabi ni papa at isa dun sa lugar ng asawa ko para naman sa pamilya nya.

Pangapat, pangarap ng asawa ko ng isa pang sasakyan, yung medyo malaki. May kotse na kami ngayon, Toyota Wigo, hindi nga namin akalain na magkakakotse kami, pangarap lang yung dati pero ngayon 3 years na namin sya ginagamit. Owner type jeep sasakyan namin noon, 2010 na namin yun nabili. 2014 yung Wigo. Pangarap nya na makabili ng Toyota Innova, para mas malaki daw para sa lumalaki naming pamilya. Para pwede rin namin isama mga magulang nya pag mamasyal kami kasi kasya na kami dun.


Panglima, pangarap ko sana makabili ng lote sa may Los BaƱos or Bay yung malapit lang sa kalsada, para ipagpagawa ng bahay yung pamilya ng asawa ko. May bahay na naman sila, pero nasa loobang bahagi ng Bay, malayo sa kalsada at may nilalakad pa bago marating bahay nila. Gusto ko sana na magkaron sila ng maayos na bahay at yung bahay nila ngayon, iwan nalang dun sa isa nyang kapatid na syang gumagastos pag papagawa nun. Balak ko din magpagawa ng kahit mga 4 na unit ng apartment para dagdag income namin dun para sa kanila.

Gusto ko din sana makapasyal sa ibang lugar dito sa Pilipinas. Maranasan man lang nila Mommy sumakay sa eroplano. Makapunta sa ibang lugar like Boracay, Ilocos, Cebu, Bohol, Bicol at kung saan pa. Sa ibang bansa, Singapore at Hongkong yung pangarap ko mapuntahan. Pangarap namin na maipasyal yung magiging anak namin sa Disney Land.

Gusto ko rin mag ka family portrait/photo shoot kami na all glam kaming family.
Basta mabigyan ko lang ng maayos na buhay ang pamilya ko at yung magiging anak namin at mapagaral ko rin sila sa maayos na paaralan sapat na yun.
Very thankful na ako kay God sa lahat ng blessing na natanggap at natatanggap namin.
May God continue to bless our Family.

*reposting it here, kasi ito ang lucky blog ko... 
Malay mo magkatotoo na this time...
I'm feeling lucky.. 

June Reveal.

We're very excited about the month of June 
because this month we will know what's the baby's gender.
Blue or Pink? What do you think?


Revealing baby's gender soon... ♥