May bahay na kami ngayon, kung nasaan din yung tindahan namin. Maliit
lang sya, tabing kalsada. Pero kasi hindi talaga sa amin yun, rights
lang yung meron kami. Government lot sya at may permit lang kami galing
sa Barangay na kami yung pinapayagan na magtayo dun ng tindahan/bahay.
Siguro nasa 25 years na din kami dito, kasi sa naalala ko, grade 1
palang ako dito na talaga kami nakatira. Malaki na rin ang naitulong ng
tindahan namin sa amin. Nakapagtapos ako ng college, nakabili kami ng
bahay (1 year nalang tapos na bayaran sa Pag-ibig) at nakabili na rin
kami ng kotse (2 years pa namin babayaran), so meaning swerte talaga ito
sa amin.
Pangarap ko sana na mapaayos yung tindahan, mapasemento, mapatiles yung
sahig, maayos ang bubong at maayos yung kusina kung saan niluluto namin
yung mga tinitinda namin pag kain. Maayos ayos naman sya, kaya lang kasi
inaanay na yung kisame at yung mga pader na kahoy. So pangarap ko
talaga na mapaayos yung buong tindahan, para mas presentable sa
costumers at maayos yung makainan nila.
Andun na rin sa tindahan yung kwarto namin tulugan. Pangarap ko din kasi
mapaayos yung para mas komportable kami makakatulog at hindi na kami
mag alala pag umuulan or may bagyo na baka anytime masira sya kasi nga
inaanay narin.
Yung mapaayos ko yung tinitirhan namin ngayon, sapat na yun sa akin.
Basta maayos lang yung ginagalawan namin. Para na rin kay Mommy kasi
tumatanda na sya at gusto ko sana na maranasan naman nya ang maganda
bahay bago man lang sya mawala dito sa mundo at para na rin sa mga
magiging anak namin ng asawa ko.
Yung bahay na nabili namin, nasa isa syang subdivision dito sa lugar
namin. Row house sya. Medyo luma na din yung bahay at pangarap din namin
mapaayos yun at maging dalawang butas na apartment, up and down naman
sya kaya pwede na isa sa taas at isa sa baba. Para dagdag income din.
Ipapaayos din namin yung bodega namin dito at yung garahe namin.
Yung bodega, gusto ko sana sya mapasemento yung sahig at yung gilid nya
may hallow block lang yung baba para di mapasok ng tubig tapos yung
pataas bakal at yero na para iwas anay din. Madami kasi anay dito. Tapos
pagagawan ko sya ng parang bakal din na patungan at bibili kami ng mga
plastic container na malaki para dun namin ilagay yung ibang mga gamit
sa bahay na hindi na ginagamit para di din sya madumihan at mabasa kung
sa ordinary na karton lang namin ilalagay.
Yung sa garahe naman ng kotse, pa brick din namin yung sahig or tiles,
tapos yung gilid bakal nalang din. Balak din namin pagawan dun ng banyo.
Para pag nahugas ng kotse ang asawa ko, maayos na yung paliguan nya.
Ayan yung una kong pangarap na sana dumating yung araw na matupad namin yan.
Pero kung bibiyayaan kami ng sobra sobra ng Diyos. Marami pa akong pangarap.
Una, makabili ng lote at makapag pagawa ng apartment. Mga 10 unit ng
apartment. Para sure income na namin monthly kahit matanda na kami at
hindi na makapaghanapbuhay, may pangkain pa rin kami.
Pangalawa, pangarap ko na makapagpagawa din ng bahay. Yung isang floor
lang pero malawak yung loob at may malawak na garden. Mahilig kasi si
Mommy sa halaman. Magtanim tanim. Yung bahay, ayoko ng may taas kasi pag
tanda pa ni mommy baka di na sya makaakyat, mahirapan sya. Ayoko naman
na sa ibaba sya tutulog tapos kami sa taas. Ayoko nung hindi ko sya
ramdam, na baka may nangyari na sa kanya hindi pa namin alam. Mga 3
kwarto yung gusto ko, isa kay mommy, isa amin ng asawa ko at yung isa sa
anak namin. Yung garden naman, gusto ko may bermuda grass sya, pero may
sementong part din, para pwede maglaro dun yung mga bata, mag bonding
kaming pamilya, mag picnic lang sa garden. Bibili din ako ng inflatable
na swimming pool para pag summer my pool yung mga bata at feeling bata.
Gusto ko rin kasi na malawak yung garden sa likod ng bahay, na may daan
sya na hindi na kailangan pumasok sa loob ng bahay. Yung pag pasok sa
gate, sa garahe yung daan. Para pag may okasyon, like birthday or
anniversary pwede na dun kami mag handa. Bibili nalang kami ng mono
block chairs at folded na table para pwedeng itabi pag hindi pa
gagamitin.
Pangatlo, balak ko bumili pa ng isang lote dun sa sementeryo namin. Alam
naman natin kasi na dun naman lahat papunta kaya isa yun sa pangarap
ko, para hindi na iisipin ng magiging anak namin kung saan kami dadalhin
pag nawala na kami, kasama pa namin dun si Papa. Museleo sana kaya lang
masyado mahal na siguro yun. Dalawang lote ang balak ko, isa dun sa
tabi ni papa at isa dun sa lugar ng asawa ko para naman sa pamilya nya.
Pangapat, pangarap ng asawa ko ng isa pang sasakyan, yung medyo malaki.
May kotse na kami ngayon, Toyota Wigo, hindi nga namin akalain na
magkakakotse kami, pangarap lang yung dati pero ngayon 3 years na namin
sya ginagamit. Owner type jeep sasakyan namin noon, 2010 na namin yun
nabili. 2014 yung Wigo. Pangarap nya na makabili ng Toyota Innova, para
mas malaki daw para sa lumalaki naming pamilya. Para pwede rin namin
isama mga magulang nya pag mamasyal kami kasi kasya na kami dun.
Panglima, pangarap ko sana makabili ng lote sa may Los BaƱos or Bay yung malapit lang sa kalsada, para ipagpagawa ng bahay yung pamilya ng asawa ko. May bahay na naman sila, pero nasa loobang bahagi ng Bay, malayo sa kalsada at may nilalakad pa bago marating bahay nila. Gusto ko sana na magkaron sila ng maayos na bahay at yung bahay nila ngayon, iwan nalang dun sa isa nyang kapatid na syang gumagastos pag papagawa nun. Balak ko din magpagawa ng kahit mga 4 na unit ng apartment para dagdag income namin dun para sa kanila.
Panglima, pangarap ko sana makabili ng lote sa may Los BaƱos or Bay yung malapit lang sa kalsada, para ipagpagawa ng bahay yung pamilya ng asawa ko. May bahay na naman sila, pero nasa loobang bahagi ng Bay, malayo sa kalsada at may nilalakad pa bago marating bahay nila. Gusto ko sana na magkaron sila ng maayos na bahay at yung bahay nila ngayon, iwan nalang dun sa isa nyang kapatid na syang gumagastos pag papagawa nun. Balak ko din magpagawa ng kahit mga 4 na unit ng apartment para dagdag income namin dun para sa kanila.
Gusto ko din sana makapasyal sa ibang lugar dito sa Pilipinas. Maranasan
man lang nila Mommy sumakay sa eroplano. Makapunta sa ibang lugar like
Boracay, Ilocos, Cebu, Bohol, Bicol at kung saan pa. Sa ibang bansa,
Singapore at Hongkong yung pangarap ko mapuntahan. Pangarap namin na
maipasyal yung magiging anak namin sa Disney Land.
Gusto ko rin mag ka family portrait/photo shoot kami na all glam kaming family.
Basta mabigyan ko lang ng maayos na buhay ang pamilya ko at yung
magiging anak namin at mapagaral ko rin sila sa maayos na paaralan sapat
na yun.
Very thankful na ako kay God sa lahat ng blessing na natanggap at natatanggap namin.
May God continue to bless our Family.
*reposting it here, kasi ito ang lucky blog ko...
Malay mo magkatotoo na this time...
I'm feeling lucky..
No comments:
Post a Comment