Paano ba? Paano ba mabilis matutupad ang mga pangarap ko para sa pamilya ko.
Simple lang naman kasi ang pangarap ko.
Mabayaran lang namin lahat ng utang namin.
Yung kotse, bahay, credit card, St. Peter at lahat ng loans ko.
Matubos namin yung nakasanla na alahas ni Mommy.
Mapaayos namin yung bahay at tindahan.
May naiisip na ako ang hirap lang iexplain.
Yung tindahan maayos yung buong tindahan, flooring, kitchen, yung kesame at cabinet ng tindahan.
Makabili kami ng mga gamit, plato, baso, tasa, platito at mga kaserola na lagayan ng ulam.
Makapagpagawa kami ng lamesa at mga upuan.
Yung sa bahay naman, sana mapaayos din namin, lalo na yung taas.
Mapalagyan namin ng terrace sa taas.
Para dun na yung laundry area. Makabili sana kami ng automatic na washing machine.
Yung sa kwarto naman, sana makabili kami ng maayos na kama at cabinet.
Mabili sana namin lahat ng pangangailangan ni Baby.
Sana mabilhan namin sya ng mga gatas, diaper, damit at sapatos.
Yung rubber playmat, ecomom, stroller at hipseat carrier pati na rin cabinet ng mga gamit nya.
Sana mapaayos din namin yung CR at mapalitan namin yung tiles at bowl.
Sana mapaayos din namin yung bodega at makabili kami ng mga plastic container na malalaki na pwede lagyan ng mga gamit at hindi marumihan.
Si mommy sana maibili na namin sya ng gamot at makapag pacheckup na sya.
Sana din makabili kami ng gamit namin ni Joel.
Hays... Sana naman matupad lahat ng pangarap namin.
In God's perfect time. :)
No comments:
Post a Comment