Tuesday, March 20, 2018

Our Little Driver.

Our littler driver.
March 18, 2018
Basti at 26 weeks.








God will bless me.

Ano kayang numero ang tatama sa Lotto, para matayaan at ng manalo kami at guminhawa ang buhay namin.

Kasi yun lang yun instant sagot sa lahat ng financial problem namin.

Pambayad ng kotse, bahay, loans at lahat ng financial matters na kailangan isettle.

Gusto ko na sana kasi mabayaran yung loan ko sa CESLA, Pagibig at SSS para pwede na ako mag resign sa work, para ako nalang sa tindahan at maalagaan ko si Basti para makapagpahinga si Mommy at hindi na sya mapagod palagi.

Sana din, makabili kami ng maintenance medicines ni Mommy para hindi na sya magkakasakit at regular sya makapag pacheck up.

Gusto ko sana din mapagawa namin yung bodega, bahay at tindahan, ang dami na kasi talagang anay at sirang sira na yung mga kahoy.

At habang pinagagawa yun, sana makapagpahinga muna kami sa pagtitinda.

Gusto ko makapagrelax muna kami, lalo na si Mommy at Joel na alam kong pagod na pagod na sila.

Sana mabigyan namin ng maayos at maginhawang buhay si Basti.

Sana mapaghanda namin sya ng maayos sa first birthday nya.Nautical theme ang dream birthday ko para sa kanya.

Mapag aral namin sya sa maayos na school pag oras na papasok na sya. Sa Perpetual din sana para malapit lang.

Sana din makapagtravel kami kahit once a year lang, para maexperience naman nila mommy na mag airplane kahit lang travel lang pero medyo malayo layo.

Sana makapunta kami sa Bohol, Boracay, Cebu, Bacolod, Ilocos, Iloilo.

Sana mabili namin lahat ng kailangan ni Basti.

Sunday, February 11, 2018

Pangarap na sana ay matupad.

Paano ba? Paano ba mabilis matutupad ang mga pangarap ko para sa pamilya ko. 

Simple lang naman kasi ang pangarap ko.

Mabayaran lang namin lahat ng utang namin. 
Yung kotse, bahay, credit card, St. Peter at lahat ng loans ko.

Matubos namin yung nakasanla na alahas ni Mommy.

Mapaayos namin yung bahay at tindahan. 
May naiisip na ako ang hirap lang iexplain.

Yung tindahan maayos yung buong tindahan, flooring, kitchen, yung kesame at cabinet ng tindahan.
Makabili kami ng mga gamit, plato, baso, tasa, platito at mga kaserola na lagayan ng ulam.
Makapagpagawa kami ng lamesa at mga upuan.

Yung sa bahay naman, sana mapaayos din namin, lalo na yung taas.
Mapalagyan namin ng terrace sa taas. 
Para dun na yung laundry area. Makabili sana kami ng automatic na washing machine.

Yung sa kwarto naman, sana makabili kami ng maayos na kama at cabinet.

Mabili sana namin lahat ng pangangailangan ni Baby.
Sana mabilhan namin sya ng mga gatas, diaper, damit at sapatos.
Yung rubber playmat, ecomom, stroller at hipseat carrier pati na rin cabinet ng mga gamit nya.

Sana mapaayos din namin yung CR at mapalitan namin yung tiles at bowl.

Sana mapaayos din namin yung bodega at makabili kami ng mga plastic container na malalaki na pwede lagyan ng mga gamit at hindi marumihan.

Si mommy sana maibili na namin sya ng gamot at makapag pacheckup na sya.

Sana din makabili kami ng gamit namin ni Joel.
 
Hays... Sana naman matupad lahat ng pangarap namin.

In God's perfect time. :)

Wednesday, February 7, 2018

Cutie pie Basti!

Basti's photos using Snow App






Basti's Tiny Nails

Cutting Basti's Tiny Nails
October 21, 2017 

Ayon sa paniniwala ng mga nakakatanda, dapat daw pag naka isang buwan na ang baby bago gupitan ng kuko. So, ako dahil sa paniniwala ko din sa mga kasabihan na ganyan, inintay ko muna maka isang buwan si Basti bago ko siya ginupitan ng kuko. Ito na yata ang pinakanakakatakot na stage ng pagiging ina. Nakakatakot mag nail cutter ng kuko ng baby. Para kasing magugupit mo pati daliri nila. Nag flashlight pa ako para maliwanag na maliwanag ko makita yung kuko ni Basti para di ko sya masugatan. Dapat din tulog ang baby para di sya malikot. Iniipon din ang unang gupit ng kuko at inilalagay daw sa hagdan para maging matatag ang bata.

 
Saftey 1st Fold-up Nail Clippers
Baby Company - P89.75

 Be careful... 

Basti's Nail Cuts

Cousin Love.

Baby Basti with Ate Gabie and Kuya Marcus
January 21, 2018