Tuesday, May 30, 2017

Starbucks Planner

Hindi ko alam kung kelan nag simula yung pagkahilig ko sa Starbucks, ang alam ko lang gusto ko sya kahit medyo mahal. Minsan minsan lang din naman ako bumili kasi nanghihinayang pa ako nung sa ibinibili ko... Siguro mga 2009 ako nahilig magkape sa Starbucks. Gusto ko mga Frappuccino nila compared sa hot or iced.

Nung 2009, hindi ko nakumpleto yung 19 stickers para makakuha ng planner, kasi wala pa nung malapit na Starbucks sa lugar namin at namamahalan pa nga ako nun... Kaya, bumili nalang ako online ng 2010 Planner, 800.00 pesos ata bili ko nun at sa Alabang Town Center pa ako nakipagkita nun sa binilhan ko.

Nung 2010, nakompleto ko yung stickers na kailangan kaya nakakuha ako ng 2011 Planner. Ang saya ko na nung nakakuha ako ng isa... Achievement na yun ha! Marami raming pera din naubos ko nyan. Nag ka Starbucks na kasi nun sa Calamba kaya nakakabili na ko lagi...


Starbucks 2010 Planner

  Starbucks 2011 Planner

 Ito yung lagayan ng Planner pag nakuha mo....

At ito sya... 2010 Planner yung nasa left, yan yung binili ko online,
2011 Planner naman yung nasa right...
Hardbound yan.


Starbucks 2012 Planner

Naka box din ito pag nakuha mo, pero di ko na napicture-an yung box, 
kasi may kasama naman syang reusable pouch. Medyo native sya this year...

Ito yung nakuha kong design... Naka dalawa ako this year, masyado ata
akong naadik sa kape or marami lang ako pera that year kaya nakabili ako ng marami.


  Starbucks 2013 Planner

Ito yung box.


Dalawa yung planner ko that year, pero yung green lang talaga yung naclaim ko,
kasi yung white galing sa pinsan ko na may jowang foreigner na mahilig sa Starbucks
kaya ayan, nakahingi ako ng isa...


Starbucks 2014 Planner
 
Ito naman yung box nya, medyo kalahati lang na picture-an ko..

Tatlo ang planner that year, dalawa yung nakuha ko, yung yellow at brown,
yung black bigay ulit ng pinsan ko na may jowang foreigner...


Starbucks 2015 Planner

 
 Walang box this year, naka pouch sya na parang plastic na medyo makapal...

 Tatlo din nakuha this year, galing sa pinsan ko yung brown, hindi nya
ata type yung kulay pero ayan lang yung may ganyan design, yung
red at green, Starbucks logo lang nakalagay.


 Starbucks 2016 Planner

Wala din box this year, naka plastic lang sya at may papel lang sya na cover.

 Nakuha ko lahat yung apat na designs, naadik lang siguro kami ng boyfriend ko
noon na asawa ko na ngayon sa Starbucks kaya nakadami kami.
Yung red binigay ko na lang sa bestfriend kong si Louise.


 Starbucks 2017 Planner

Nakabox na ulit this year.


This year, dalawang designs at dalawang sizes sya.
Nakakuha ako ng parehong design at parehong size.
Yung top photo mas maliit sya kesa sa picture sa baba... 

No comments: