Sunday, May 22, 2016

Just saying....

#thereturnofthecomeback

My first post since I came back.


Subject: English

Ako man, inaamin ko, hindi rin ako magaling sa English..

I prefer solving a math equation than writing an english essay.

So, iniiwasan ko talaga magpost ng english, sa mga status or updates ko sa social media.
Kasi baka mali, mag post man ako, siguro mga 1000x ko ichecheck ang grammar at spelling bago ko ipost.

That's why, nag tataka ako sa iba, na feel na feel ang english kahit mali mali ang grammar at spelling.

Sige ang post sa english na ang haba haba, ang dami naman correction.

Matalino ka lang, kaya magegets mo naman ang ibig nya sabihin.

Pag binati mo, ikaw pa yung sasabihan ng bitter, inggit ka lang daw, ikaw na daw yung magaling at matalino.

Pero, tama ba yun, okay lang mapahiya sila sa english grammar basta maipagyabang lang ang mga bagay na meron sila at sa tinggin nila ay kakainggitan mo?

Nakakainis lang na yung alam nila na mali na sila pero wala lang, di daw mahalaga yun kasi yung daw alam nila. Bukod yun ang alam yun na ang tama, di ba pwedeng icorrect para di ka mapahiya sa madlang people.

Minsan di na bibili mg pera ang breeding.

Kahit mag mukha kang sosyal at mayaman, pagbuka naman ng bibig mo, sumisingaw ang kawalan mo ng pinag-aralan at ang pagiging palengkera mo.

Sana wag sa kung saan saan na material na bagay mo inuubos yan pera nyo, try mo kumuha ng Personality Development Course.


No comments: