Wednesday, September 5, 2012

I wanna be a Millionaire!

I wanna be a billionaire so fricking bad
buy all of the things I never had....


For me, being a millionaire is enough..

Simple lang naman kasi ang buhay at konting pera lang ayos na kami.

Pero, given a chance, sino ba ayaw maging millionaire di ba?

Tataya nga ako sa lotto, baka makajackpot ako at maging millionaire.

At kung magiging millionaire ako, eto ang mga pangarap ko...

Material na bagay...

SASAKYAN.

May owner type jeep na kami, pero di na uso yun ngaun.
Gusto sana namin, Toyota Avanza, yung 7-seater. Pero kung mag kakapera ng malaki, Isuzu Crosswind sana.

BAHAY.

May bahay na kami, renovation nalang siguro para mas gumanda. At ifufully paid na namin sya sa Pagibig.
Sana matransfer na din sa pangalan namin yung titulo nya. Maliit lang yung bahay, pero up-and-down na. 
Pangarap ko din bilhin yung katabi namin para mas lumaki at may parking space na din para sa Avanza :)


Syempe, pag may bahay, dapat may gamit din.. Wala kami masyado gamit sa bahay. Pangarap ko maganda din yung gamit sa bahay, di ganun kadami, yung basic na pangangailangan lang pero maayos, Kumpletong gamit. Magagandang gamit.

TINDAHAN.

Renovation ng tindahan. Full renovation. Gamit sa tindahan. Yung maayos na gamit sa tindahan.
Pangarap ko na mapasaamin na talaga ang lupa na yun, matanggal na din yung kawad ng kuryente.

SEMENTERYO.


Dyan naman tayo pupunta lahat, mas gusto ko lang ready. 

May lote na nabili sina mommy, andun na nga si papa. Pero pangarap ko din mabili yung katabi, para si papa, nakalitaw na sa lupa, yung kasing kinalalagyan nya ngaun, yung nakalubog sa lupa. 

REST HOUSE


Dream ko din mag ka Rest House sa Tagaytay City.

Pasyalan na rin ng mga kamag-anak namin at para may place na pwede namin pag get-together ng mga friends ko.

SHOPPING.

Shopping Galore. Bibili ng damit, sapatos, bags, ipad para kay joel, Dlsr camera na may tripod.

TRAVEL.

Gusto ko mag travel all over Philippines.
Yung mga tourist destination talaga. Gusto ko ipasyal si mommy. Gusto ko makasakay sya ng eroplano.
Boracay, Palawan, Zambales (land travel), Vigan, Bacolod, Cebu, at sa ibang bansa Singapore.



Yan yung mga personal na dream ko para sa amin. Sa sarili namin.


Yung sa ibang tao naman.


Sina manang, tutulungan ko sila.


Si ate exal.


Family ni Joel.

Kamag-anak ni mommy at ni papa.

Kapuso Foundation.

Donate sa simbahan.


At yung iba, itatago sa banko para sa future namin. :)

No comments: